Wednesday, December 16, 2015

TAORISHAN

Based on: Exo “Sing For You” (MusicVideo)

TaoRisHan

Isang awit na para sa inyo
Alay naming ngayong pasko
Na nagsisilbing regalo
Na ginawa ng aming grupo.

Isang awit na maraming kahulugan
At batid na naming inyo ng alam
Na ito ay para sa mga taong lumisan
At iniwan kami ng biglaan.

Noon kami ay sama - sama
Kahit saan man magpunta
Kaya sa sobra naming saya
Hindi na namin napansin na ang iba ay may pinagdadaanan na.

Isa - isa silang nawala
Na parang bula
At wala kaming magawa
Kundi ang magwala.

Sinubukan naming silang pigilan
Kahit na kami pa ay magkasakitan
Ngunit sila ay lumaban at ito ay nauwi sa sakitan at iyakan
Pero sa huli umalis parin sila ng tuluyan.

Ngayon kami ay umaasa sa himala
Na kahit sa balyena pa ng kalawakan magmula
Para maibalik lang ang mga taong nawala
At matigil na ang aming pagluha.


No comments:

Post a Comment