Wednesday, December 16, 2015

EXO

(Inspired by: One True 12)

Isang grupo ng mga kalalakihan na gwapo
Hindi ko inaasahan na mabibihag nila ang puso ko
Shomai naman! Pati mundo ko nagulo
Ngiti pa lang kasi nila laglag na shorts ko, kaya ayan baliw na ko!

Pero may nangyaring hindi inaasahan
Ang tatay ng grupo ay lumisan
Ngiti sa bawat mukha ay napalitan
Ng lungkot at luha na walang katapusan.

Bawat isa ay apektado
Pati mga tagahanga nila nagkagulo
Ang iba naman ay dismayado
Samantalang ang iba naman suportado sila hanggang dulo.

Bumalik ang grupo
Pero labing isa na lamang ang bilang ng kanilang miyembro
Masakit man pero kinakaya nila ito
Para sa kanilang mga tagahanga na minamahal sila ng husto.



Lumipas ang mga araw
Ang grupo ay patuloy sa paghataw
Iba’t - ibang bansa ay pinuntahan upang kumanta at sumayaw
Sama - sama sila at walang bumibitaw.

Hanggang sa ang dyosang usa ay nagpasya
Na iwanan na ang grupo nila
Lahat ay nabigla sa naging desisyon niya
Luha ay pumatak sa kanikanilang mga mata.

Pighating nadarama ay hindi matapos tapos
Luha nila ay patuloy na umaagos
Ang tanong ng lahat ay paano kami makakaraos?
Upang ang nadarama ay matapos na ng lubos.

Mga tagahanga nila ay sobra ng nagkaka - gulo gulo
Fanwar doon, fanwar dito
Ipagtatanggol nila ang kanilang iniidolo
Ano man ang sabihing paninira ng iba’t - ibang tao.

Nararamdaman ng grupo ay lubos na pighati
Nabawasan na naman kasi sila ng isang kalahi
Mga puso nila ay sobra ng sawi
Dahil sa sakit na hindi mapawi.

Lumipas ang ilang buwan
Mga ngiti nila ay hindi ko pa muling nasisilayan
Anong nangyari sa aking grupong hinahangaan?
Pati tuloy kaming mga fan ay sobra ng naapektuhan.

Dahil dito naglabas ng anunsyo ang kanilang kompanya
Ang grupong aming hinahangaan ay magbabalik na
Pero sampu na lang sila
Masakit mang tanggapin ay kulang na sila ng dalawa.

Bumalik sila ng may ngiti sa mga labi
Hindi ko alam kung totoo ba ito o hindi
Dahil sa pag - alis ng tatay na siyang haligi
At ng usang palangiti.

Unti - unti silang bumangon
Sa bangungot na dala ng kahapon
Ngunit sadya silang sinusubok ng panahon
Dahil ang isa sa kanila ay aalis na rin sa grupong iyon.

Walang iba kundi si panda
Susundin na niya ang sinabi ng kaniyang ama
Na umuwi na sa bansang kinalakihan niya
Para sa ikabubuti ng kalusugan niya.

Ang dating mga kamay na magkakahawak - hawak
Ngayon ay nagkawatak - watak
Ang puso ng lahat ay sobra ng wasak
At tanging maririnig na lamang ay ang mga luhang pumapatak.

Sobra na ito! Hindi na namin kaya
Dapat ng sisihin ang kompanya
Dahil ang naging dahilan ng paglisan ng tatay, ng usa at ng panda
Ay ang pagtrato sa kanila ng hindi maganda.

Ang kompanya ay nagsampa ng kaso laban sa tatlo
Ang pambabatikos daw sa kanila ay hindi totoo
Lumaban ang tatlo at ang bawat isa ay may kani - kaniyang abogado
Magkita tayo sa korte para malaman ang totoo, yun ang tugon nila sa kompanyang nirereklamo.

Dahil dito ang magkakaibigan ay biglang hindi  na nagpansinan
Komunikasyon nila sa isa’t - isa ay nawala na ng tuluyan
Ang grupo ay nagpatuloy ng siyam na lamang
At ang tinatahak naman ng tatlo ay magkakaiba - ibang daan.

Magkakaiba - iba man sila ngayon ng trabaho
Suportado parin namin sila hanggang dulo
Kahit na nasasaktan kaming makita sila ng ganito
Wala eh! Mahal kasi namin sila ng husto.

Pero umaasa parin kami na balang araw
Habang sila ay umaawit sa concert at sumasayaw
Ay biglang mamawalan ng ilaw
At maririnig ang tatlong boses na sumisigaw.

Ang una’y: chicken is not my style - wika ng baba ng galaxy ang kanilang tatay
Pangalawa’y: yo ~ yo ~ yo manly na ba ko? - wika ng dyosa ang pinakamagandang usa
At ang huli: Gucci na bag ang paborito ko pati panda wushhuu! - sipa ng panda
Luha sa mga mata ng bawat isa at ngiti naman sa mga labi nila, ang tatlo ay nagbalik na upang makapiling ang mga kapatid na nawalay sakanila.

Patawarin niyo ko kung napa - iyak ko kayo
Wala kasi akong magawa kaya ito
Gumawa ako ng tula para sa inyo
Alam ko kasi na miss na miss na miss niyo na yung tatlo.

Pare - pareho lang tayo kaya punasan niyo na ang mga luha niyo
Dahil kaya natin ito para sa EXO!
Siyam man sila sa paningin ng iba, labing - dalawa naman sila sa puso ng mga tagahanga nila
We Are One! OT12 to the infinity & beyond!

No comments:

Post a Comment