Saturday, December 19, 2015

BTS
(Bulletproof Boy Scouts, Bangtan Sonyeondan)


Hindi ko alam kung saan nagsimula
Minahal ko na lang sila bigla
Pitong lalaking pinagpala
Kaya mga babae ay nagkakandarapa.

Boses nila’y kabigha-bighani
Naakit ako’t napatili
Kaya unti-unting namutawi
Mga ngiti sa aking labi.

Pag-indak nila sa pag-sayaw
Dahilan ng aking paghataw
May kasama pang sigaw
Sapagkat ang puso ko’y hindi magkamayaw.

Lahat sila ay talentado
Lalo na ang leader ng grupo
Sa larangan ng pagrarap halimaw siya dito
At higit sa lahat matatag siyang tao.

Itong isusunod ko
Siguradong talo ang ganda mo
Siya lang naman kasi ang Visual ng grupo
Kulay pink ang kaniyang paborito at sa pagluluto siya ay eksperto.

Kapag iyong nakita
Pagsasayaw at pagrarap niya
Siguradong bibilib ka
Si HoSeok yan wala ng iba.

Siya ay kasing puti ng asukal
Pagrarap niya ay nakakahingal
Sa iyong isipan hindi siya matangal
Yan si YoonGi na iyong mahal.

Si JiMin
Sa sayawan siya ay magaling
Boses niya ay napakahinhin
At tiyak na iyong mamahalin.

Sa kabaliwan niya ikaw ay mapapatawa
Sa pag awit at pagsasayaw niya ay ma - iinlove ka
Si TaeHyung nga pala
Isa sa aking mga asawa.

Sa kanyang pag - awit mata mo ay mapapapikit
Sa pagsasayaw niya tiyak na ikaw ay maaakit
Pagrarap niya ay malupit
Yan si JungKook na makulit.

Bangtan Sonyeondan ang kanilang pangalan
Sa mga tagahanga nila ay Army naman
Kapag mundo nila ay iyong pinuntahan

Hindi ka na makakaalis kailanman dahil mamahalin muna sila ng pangmatagalan.

3 comments: