Wednesday, December 16, 2015

3 Years With EXO

(Inspired by: 3yearsWithExoVideo)

April 8. 2012
3 years
36 months
1.095 days

Tatlong taon na simula ng tumayo kayong labingdalawa ng sama-sama sa entabladong ito (We Are One!!! Hello Everyone!!! We Are Exo!!!)
At simulan ang mga pangarap niyo.

Tatlong taon ng pagsisikap sa pagtatrabaho
Para ipakita ang inyong mga talento.

Kahit na anong pagsubok ang ibato sa inyo
Patuloy niyo paring pinapatunayan na magaling kayo.

Hindi kayo basta basta papatalo
Dahil kayo ay mga talentado.

Tatlong taon narin ng maging parte kayo ng mga buhay namin
Naging espesyal na kayo sa bawat isa sa amin.

Tatlong taon, marami na ring nangyaring mabuti at masama
Pero nariyan parin ang ngiti sa inyong mga mukha.

Ang inyong mga tawa at ang mga luhang pumapatak galing sa inyong mga mata
Dahil sa mga sakit at pagsubok na pinagdaanan niyo na.

Noong mga nakalipas na taon ay sinubok ang ating paniniwala
Tayo’y kinamuhian ng madla.

Pati narin ang kanilang tiwala ay nawala
At iniwan tayo na parang bula.

Pero nakatayo parin kayo sa entablado na parang walang nangyari
At ngumingiti para itago ang inyong sarili.

Patuloy kayo sa pagtatrabaho
Para sa mga tagahanga niyo.

Pero ng talikuran kayo ng mundo
Hindi niyo hinayaan na mawala ang liwanag niyo.

Nagbalik kayo at sa pagkakataon na ito
Walang tumayo at nanindigan para sa inyo.
Pero naging isa parin kayong maningning na bituin
Na mayroong nakakatunaw na tingin.

Kahit na mayroong tayong mga mahal na taong umalis at may mga bagay na nagbago ng napakabilis
Masasayang ala-ala natin ay kailanma’y hindi maaalis.

Ala-ala na sa atin ay nagpalakas
Para sa panibagong bukas.

Ikaw na aking idolo at Ako na tagahanga mo

Iisa tayo! (We Are One!)


No comments:

Post a Comment