Saturday, December 19, 2015

BTS
(Bulletproof Boy Scouts, Bangtan Sonyeondan)


Hindi ko alam kung saan nagsimula
Minahal ko na lang sila bigla
Pitong lalaking pinagpala
Kaya mga babae ay nagkakandarapa.

Boses nila’y kabigha-bighani
Naakit ako’t napatili
Kaya unti-unting namutawi
Mga ngiti sa aking labi.

Pag-indak nila sa pag-sayaw
Dahilan ng aking paghataw
May kasama pang sigaw
Sapagkat ang puso ko’y hindi magkamayaw.

Lahat sila ay talentado
Lalo na ang leader ng grupo
Sa larangan ng pagrarap halimaw siya dito
At higit sa lahat matatag siyang tao.

Itong isusunod ko
Siguradong talo ang ganda mo
Siya lang naman kasi ang Visual ng grupo
Kulay pink ang kaniyang paborito at sa pagluluto siya ay eksperto.

Kapag iyong nakita
Pagsasayaw at pagrarap niya
Siguradong bibilib ka
Si HoSeok yan wala ng iba.

Siya ay kasing puti ng asukal
Pagrarap niya ay nakakahingal
Sa iyong isipan hindi siya matangal
Yan si YoonGi na iyong mahal.

Si JiMin
Sa sayawan siya ay magaling
Boses niya ay napakahinhin
At tiyak na iyong mamahalin.

Sa kabaliwan niya ikaw ay mapapatawa
Sa pag awit at pagsasayaw niya ay ma - iinlove ka
Si TaeHyung nga pala
Isa sa aking mga asawa.

Sa kanyang pag - awit mata mo ay mapapapikit
Sa pagsasayaw niya tiyak na ikaw ay maaakit
Pagrarap niya ay malupit
Yan si JungKook na makulit.

Bangtan Sonyeondan ang kanilang pangalan
Sa mga tagahanga nila ay Army naman
Kapag mundo nila ay iyong pinuntahan

Hindi ka na makakaalis kailanman dahil mamahalin muna sila ng pangmatagalan.

Wednesday, December 16, 2015

EXO-L

Based on: Exo “Sing For You” (Lyrics)

EXO-L

Kinuha ko ang aking gitara
Dahil ako ay may sasabihin pala
Na hindi ko masabi noon pa
Ito ay isang istorya na kinalimutan ko na.

Isa itong kanta
Kaya sasabihin ko na
Kaya makinig ka
Dahil aawitan kita.

Mahal kita sobra
Pero hindi ko kaya
Na sabihin sa iyo ang salitang
“Mahal Kita”.

Kaya nag - ipon ako ng lakas
Para masabi na sa iyo sa wakas
Kaya makinig ka
Dahil aawitan kita.

Ang iyong pagluha at ang iyong pagngiti
Ito ay sobra sa aking mahalaga
Mga salitang sasabihin ko sana
Pero nawalan na ako ng tiyansa.

Kaya ngayon sasabihin ko na
Kaya makinig ka
Dahil aawitan kita
Para ngumiti ka naman kahit pansamantala.

Nakakatawa hindi ba?
Na ikaw lang ang aking nakikita
Pero hindi ko na masasabi pa
Dahil hindi naman tayo magkakilala.

Gusto ko sanang sa iyo ay sabihin
Na ako ay iyong yakapin
Saka ko hahaplusin
Ang iyong buhok para makatulog ka ng mahimbing.

Ang iyong pagluha at ang iyong pagngiti
Ito ay sobra sa aking mahalaga.

Mga salitang pinagsisihan ko na
Humihingi ako ng dispensa.
Kaya makinig ka
Dahil aawitan kita

Umakto ka na parang walang nangyari
Kaya nagpapasalamat ako na nariyan ka sa aking tabi.

Ikaw ang regalo sa akin ng diyos
At darating ang panahon na tayo ay magtatapos
Pero sa ngayon ito muna ang aking sasabihin
Kaya makinig ka sa akin.

Ang iyong pagluha at ang iyong pagngiti
Ito ay sobra sa aking mahalaga
Mga salitang sasabihin ko sana
Pero nawalan na ako ng tiyansa.

May ipagtatapat ako
Alam ko nakakahiya ito
Kaya makinig ka
Dahil aawitan kita.

Makinig ka

Aawitan kita.


TAORISHAN

Based on: Exo “Sing For You” (MusicVideo)

TaoRisHan

Isang awit na para sa inyo
Alay naming ngayong pasko
Na nagsisilbing regalo
Na ginawa ng aming grupo.

Isang awit na maraming kahulugan
At batid na naming inyo ng alam
Na ito ay para sa mga taong lumisan
At iniwan kami ng biglaan.

Noon kami ay sama - sama
Kahit saan man magpunta
Kaya sa sobra naming saya
Hindi na namin napansin na ang iba ay may pinagdadaanan na.

Isa - isa silang nawala
Na parang bula
At wala kaming magawa
Kundi ang magwala.

Sinubukan naming silang pigilan
Kahit na kami pa ay magkasakitan
Ngunit sila ay lumaban at ito ay nauwi sa sakitan at iyakan
Pero sa huli umalis parin sila ng tuluyan.

Ngayon kami ay umaasa sa himala
Na kahit sa balyena pa ng kalawakan magmula
Para maibalik lang ang mga taong nawala
At matigil na ang aming pagluha.


3 Years With EXO

(Inspired by: 3yearsWithExoVideo)

April 8. 2012
3 years
36 months
1.095 days

Tatlong taon na simula ng tumayo kayong labingdalawa ng sama-sama sa entabladong ito (We Are One!!! Hello Everyone!!! We Are Exo!!!)
At simulan ang mga pangarap niyo.

Tatlong taon ng pagsisikap sa pagtatrabaho
Para ipakita ang inyong mga talento.

Kahit na anong pagsubok ang ibato sa inyo
Patuloy niyo paring pinapatunayan na magaling kayo.

Hindi kayo basta basta papatalo
Dahil kayo ay mga talentado.

Tatlong taon narin ng maging parte kayo ng mga buhay namin
Naging espesyal na kayo sa bawat isa sa amin.

Tatlong taon, marami na ring nangyaring mabuti at masama
Pero nariyan parin ang ngiti sa inyong mga mukha.

Ang inyong mga tawa at ang mga luhang pumapatak galing sa inyong mga mata
Dahil sa mga sakit at pagsubok na pinagdaanan niyo na.

Noong mga nakalipas na taon ay sinubok ang ating paniniwala
Tayo’y kinamuhian ng madla.

Pati narin ang kanilang tiwala ay nawala
At iniwan tayo na parang bula.

Pero nakatayo parin kayo sa entablado na parang walang nangyari
At ngumingiti para itago ang inyong sarili.

Patuloy kayo sa pagtatrabaho
Para sa mga tagahanga niyo.

Pero ng talikuran kayo ng mundo
Hindi niyo hinayaan na mawala ang liwanag niyo.

Nagbalik kayo at sa pagkakataon na ito
Walang tumayo at nanindigan para sa inyo.
Pero naging isa parin kayong maningning na bituin
Na mayroong nakakatunaw na tingin.

Kahit na mayroong tayong mga mahal na taong umalis at may mga bagay na nagbago ng napakabilis
Masasayang ala-ala natin ay kailanma’y hindi maaalis.

Ala-ala na sa atin ay nagpalakas
Para sa panibagong bukas.

Ikaw na aking idolo at Ako na tagahanga mo

Iisa tayo! (We Are One!)


EXO

(Inspired by: One True 12)

Isang grupo ng mga kalalakihan na gwapo
Hindi ko inaasahan na mabibihag nila ang puso ko
Shomai naman! Pati mundo ko nagulo
Ngiti pa lang kasi nila laglag na shorts ko, kaya ayan baliw na ko!

Pero may nangyaring hindi inaasahan
Ang tatay ng grupo ay lumisan
Ngiti sa bawat mukha ay napalitan
Ng lungkot at luha na walang katapusan.

Bawat isa ay apektado
Pati mga tagahanga nila nagkagulo
Ang iba naman ay dismayado
Samantalang ang iba naman suportado sila hanggang dulo.

Bumalik ang grupo
Pero labing isa na lamang ang bilang ng kanilang miyembro
Masakit man pero kinakaya nila ito
Para sa kanilang mga tagahanga na minamahal sila ng husto.



Lumipas ang mga araw
Ang grupo ay patuloy sa paghataw
Iba’t - ibang bansa ay pinuntahan upang kumanta at sumayaw
Sama - sama sila at walang bumibitaw.

Hanggang sa ang dyosang usa ay nagpasya
Na iwanan na ang grupo nila
Lahat ay nabigla sa naging desisyon niya
Luha ay pumatak sa kanikanilang mga mata.

Pighating nadarama ay hindi matapos tapos
Luha nila ay patuloy na umaagos
Ang tanong ng lahat ay paano kami makakaraos?
Upang ang nadarama ay matapos na ng lubos.

Mga tagahanga nila ay sobra ng nagkaka - gulo gulo
Fanwar doon, fanwar dito
Ipagtatanggol nila ang kanilang iniidolo
Ano man ang sabihing paninira ng iba’t - ibang tao.

Nararamdaman ng grupo ay lubos na pighati
Nabawasan na naman kasi sila ng isang kalahi
Mga puso nila ay sobra ng sawi
Dahil sa sakit na hindi mapawi.

Lumipas ang ilang buwan
Mga ngiti nila ay hindi ko pa muling nasisilayan
Anong nangyari sa aking grupong hinahangaan?
Pati tuloy kaming mga fan ay sobra ng naapektuhan.

Dahil dito naglabas ng anunsyo ang kanilang kompanya
Ang grupong aming hinahangaan ay magbabalik na
Pero sampu na lang sila
Masakit mang tanggapin ay kulang na sila ng dalawa.

Bumalik sila ng may ngiti sa mga labi
Hindi ko alam kung totoo ba ito o hindi
Dahil sa pag - alis ng tatay na siyang haligi
At ng usang palangiti.

Unti - unti silang bumangon
Sa bangungot na dala ng kahapon
Ngunit sadya silang sinusubok ng panahon
Dahil ang isa sa kanila ay aalis na rin sa grupong iyon.

Walang iba kundi si panda
Susundin na niya ang sinabi ng kaniyang ama
Na umuwi na sa bansang kinalakihan niya
Para sa ikabubuti ng kalusugan niya.

Ang dating mga kamay na magkakahawak - hawak
Ngayon ay nagkawatak - watak
Ang puso ng lahat ay sobra ng wasak
At tanging maririnig na lamang ay ang mga luhang pumapatak.

Sobra na ito! Hindi na namin kaya
Dapat ng sisihin ang kompanya
Dahil ang naging dahilan ng paglisan ng tatay, ng usa at ng panda
Ay ang pagtrato sa kanila ng hindi maganda.

Ang kompanya ay nagsampa ng kaso laban sa tatlo
Ang pambabatikos daw sa kanila ay hindi totoo
Lumaban ang tatlo at ang bawat isa ay may kani - kaniyang abogado
Magkita tayo sa korte para malaman ang totoo, yun ang tugon nila sa kompanyang nirereklamo.

Dahil dito ang magkakaibigan ay biglang hindi  na nagpansinan
Komunikasyon nila sa isa’t - isa ay nawala na ng tuluyan
Ang grupo ay nagpatuloy ng siyam na lamang
At ang tinatahak naman ng tatlo ay magkakaiba - ibang daan.

Magkakaiba - iba man sila ngayon ng trabaho
Suportado parin namin sila hanggang dulo
Kahit na nasasaktan kaming makita sila ng ganito
Wala eh! Mahal kasi namin sila ng husto.

Pero umaasa parin kami na balang araw
Habang sila ay umaawit sa concert at sumasayaw
Ay biglang mamawalan ng ilaw
At maririnig ang tatlong boses na sumisigaw.

Ang una’y: chicken is not my style - wika ng baba ng galaxy ang kanilang tatay
Pangalawa’y: yo ~ yo ~ yo manly na ba ko? - wika ng dyosa ang pinakamagandang usa
At ang huli: Gucci na bag ang paborito ko pati panda wushhuu! - sipa ng panda
Luha sa mga mata ng bawat isa at ngiti naman sa mga labi nila, ang tatlo ay nagbalik na upang makapiling ang mga kapatid na nawalay sakanila.

Patawarin niyo ko kung napa - iyak ko kayo
Wala kasi akong magawa kaya ito
Gumawa ako ng tula para sa inyo
Alam ko kasi na miss na miss na miss niyo na yung tatlo.

Pare - pareho lang tayo kaya punasan niyo na ang mga luha niyo
Dahil kaya natin ito para sa EXO!
Siyam man sila sa paningin ng iba, labing - dalawa naman sila sa puso ng mga tagahanga nila
We Are One! OT12 to the infinity & beyond!